Home » Post Item » Girl Valencia in Bandila
Girl Valencia: The Enchanting Crooner's Online Lounge.

Girl Valencia in Bandila

January 30, 2009

Korina Sanchez:  Misyon ng isang award-winning singer at songwriter na panatilihing buhay ang Original Filipino Music kaya nagtuturo sya ng libre sa mga kabataan. Yan ang ulat ni Pinky Webb.

Pinky Webb:  Kilala si Girl Valencia bilang “The Enchanting Crooner” sa mga bars ng mga 5-star hotels na kinakantahan nya. Pero maliban sa pagkanta, sumusulat din siya ng sarili niyang awitin. Dose anyos lang si Girl nang matuklasan ang talentong ito.

Girl Valencia:  Gigisingin ako nung naririnig kong kanta in the middle of the night.  Mga 2.. 3 AM biglang … tas alam ko na pag di ko siya kinanta sa tape recorder… mawawala na sya.

Pinky Webb:  Ilan na sa mga kanta na nagawa ni Girl ay tungkol sa ibat ibang lugar sa bansa na napasyalan nya. Nag-Number 1 ng ilang buwan sa isang radio station ang kanta nyang “Underground River”. Umani na rin siya ng mga parangal, ang UNESCO Peace Prize of Excellence sa awiting “Breaking Barriers” na naging Song of the Peace of 1995.  

At 1993 Likhawit National Song Fest para sa kantang “Yan Na Naman”. Naging Nominee rin for “Best Song for a Movie Soundtrack” in 1999 Aliw Awards ang kantang “Tanging Mahal” na sinulat niya at kinanta ni Regine Velasquez.  Ngayong bakasyon nagtuturo siya ng Songwriting sa mga kabataan sa ibat ibang probinsya.

Girl Valencia:   Narararamdaman ko na maganda sanang malaman din nila kung paano magwrite ng sarili nilang songs. Para hindi lamang puro foreign songs ang nirerevive nila or kinakanta nila.

Pinky Webb: Para kay Girl, ito ang kontribusyon niya para panatilihing buhay ang Original Filipino Music.

Posted by girltraveling at 11:51 pm | permalink

Previous Comments

Who’s your handler, we wanted to suggest you as a guest in our corporate event. Kindly email me back if your availabl on Aug. 6, July 28 Aug 11 or 18.

Posted by Yvette Atienza at June 11, 2009, 4:16 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment